1.6-M estudyante, nakinabang sa Libreng Sakay ng gobyerno sa loob ng tatlong buwan ng nakaraang taon ayon sa Malacañang

Maraming bilang ng mga Pilipino ang nabenepisyuhan ng fuel subsidy ng gobyerno partikular ang Libreng Sakay Program.

Batay sa ulat ng Office of the Press Secretary, mabilis ang pagre-release ng pondo ng Department of Budget and Management (DBM) kaya napanatili ang pagpapatupad ng fuel subsidy program para sa mga public utility vehicles (PUVs) at libreng sakay ng program ng Department of Transportation (DOTr) noong nakaraang taon.

Kaya naman mula August 22, 2022 hanggang November 5, 2022 ay umabot sa 1.6 milyong estudyante ang nabenepisyuhan ng libreng sakay sa LRT-2 para sa mga estudyante.


Sa ginawang Oplan Balik-Eskwela Program naman ng MRT-3 at ng Philippine National Railways (PNR), kabuuang 143,290 na mga estudyaNte ang nabigyan ng 20% fare discount.

Nagbigay rin daw ng compensation ang pamahalaan sa mga operator at driver na ang kabuhayan ay lubhang apektado ng pagtaas ng presyo ng langis dahil sa pandemya o ang tinatawang na Service Contracting Program o SCP.

Mula April hanggang July 2022, 19,194 PUV drivers ang kinontrata ng gobyerno para mag-operate ng 16,832 PUV units sa 921 na ruta sa buong bansa.

Dagdag pa dito na as of December 23, 2022 ang EDSA Busway sinerbisyuhan ng 751 public utility bus units na pagmamay-ari ng 87 kompanya.

Facebook Comments