Big-time oil price hike, bubungad sa mga motorista bukas

Ipatutupad na bukas ng mga oil companies ang big-time oil price hike.

Sa anunsyo ng Pilipinas Shell, nasa ₱2.90 ang dagdag-singil sa kada litro ng gasolina habang mayroong ₱2.10 na taas presyo sa kada litro ng diesel.

Mayroon ding ₱3.05 na taas-singil sa kada litro ng kerosene.


Ipatutupad ito ng kompanyang Shell bukas ng umaga dakong alas-6:00.

Nakatakda namang mag-anunsyo ang iba pang oil companies ngayong hapon.

Facebook Comments