Paghahanda sa 2025 midterm elections, sisimulan ng COMELEC ngayong taon

Sisimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang paghahanda nito para sa 2025 midterm elections ngayong taon.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, bahagi ng kanilang mga plano, programa at proyekto ang preliminary preparations para sa 2025 elections.

Magsasagawa rin aniya ang COMELEC ng special election para sa 7th Congressional District ng Cavite sa February 25 para punan ang pwesto sa House of Representatives na binakante ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.


Bukod pa rito, pinaghahandaan din ng ahensya ang budget deliberations at human resource development maging ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na gaganapin naman sa buwan ng Oktubre.

Facebook Comments