Cauayan City, Isabela- Inilunsad ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Isabela ang isang (1) araw na pagsasanay sa paggamit ng Database System on Children na layong protektahan ang karapatan ng mga kabilang sa ‘most vulnerable sector’.
Dinaluhan ang nasabing pagsasanay ng lahat ng City/ Municipal Social Welfare Officers at Focal Officers na isinagawa sa Provincial Capitol Amphitheater, Alibagu, City of Ilagan, Isabela kahapon, July 29, 2021.
Isa rin sa layunin ng nasabing pagsasanay ang masigurong maitataguyod ang isang automated stable monitoring and reporting system na bubuo ng maaasahan, komprehensibo at napapanahong datos na maaaring magsilbing batayan sa pagbubuo ng mga plano at desisyon ay kongkretong aksyon na tutugon child-friendly policy, programs at services sa mga local level.
Kaugnay nito, buong-buo ang suporta ni Sangguniang Panlalawigan Committee on Children’s Affairs Chairman Clifford Raspado para sa pagtataguyod ng mga patakaran at programa na tututok sa kapakanan ng mga bata sa Isabela.
Para kay Sangguniang Kabataan Provincial Federation President Dax Paolo Binag, ang naturang proyekto ay isang hakbang tungo sa pagbabago upang masiguro ang maayos na kinabukasan ng mga bata.
Ang Social Welfare Database (SWDB) ay isang online business-class database, isang uri ng digital entry na mas magaang gamitin kumpara sa mga tradisyunal na pamamaraan gaya ng pagsusulat sa papel.
Sinabi naman ni Social Welfare Officer Lorena Batoon na sa pagkakaroon ng online database system sa mga bata kasabay nito ang pagsasanay para maging “ 𝐩𝐚𝐩𝐞𝐫𝐥𝐞𝐬𝐬” transactions.
Samantala, sinabi naman ni PSWD Officer Lucila Ambatali na simula pa lamang ang hakbang na ito tungo sa isang mas angat na data collection para sa proteksyon ng lipunan at ganap na itong naipatupad ay isusunod ang database para sa daycare children, youth at senior citizens.
Ang SWDB ay simulang gamitin provincewide sa darating na August 16, 2021.