1 estudyante nahulihan ng pinatuyong dahon ng Marijuana sa San Juan City

19

Kalaboso ang isang estudyante matapos na mahulihan ng pinatuyong dahon ng Marijuana nang magsagawa ng Quarantine Controlled Checkpoint ang mga operatiba ng San Juan PNP sa  1st West Crame kanto ng Santolan Road, West Crame, San Juan City.

Kinilala ang suspek na si Jonjon Gacutan 18 anyos, student.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya nagsagawa ng Quarantine Controlled Checkpoint , si Police Corporal Rolando Emperador, ng San Juan City Police Station nang dumaan si Gacutan sakay ng kanyang bisekleta sa Quarantine Controlled Checkpoint ng walang paalam sa duty PNP Personnel.

Hinarang ng mga pulis ang suspek at hinihingian ng Quarantine Pass, napansin ni  PCpl Rolando Emperador ang 1 pirasong  transparent zip lock na pinaghihinalaang pinatuyong dahon ng  marijuana na tumitimbang ng 3.8 gramo na nakalagay sa loob mg kanyang boxer brief.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 amg kasong isinampa laban sa naturang estudyante.

Facebook Comments