2 pulis sa Marikina inaresto dahil sa panggagahasa umano sa dalawang detainees

107

Arestado ang dalawang bagitong pulis matapos na ireklamo ng panggagahasa ng dalawang babaeng bilanggo sa detention cell ng Marikina Police Station.

Kinilala ang mga inirereklamong mga pulis na sina Patrolman Arnold  Moscosa Geroy at


Patrolman Sonny Baccay Maruzzo kapwa nakatalaga sa Station Special 2 Operations Unit ng Marikina PNP.

Sa ulat ng National Capital Region Police Office at batay sa reklamo ng dalawang detainees ginahasa umano sila ng dalawang pulis matapos ang isinagawang custodial debriefing sa kanila.

Pagkatapos ng panggahasa nagsumbong ang mga datainees sa kanilang bantay  sa detention cell dahilan para arestuhin ang dalawang bagitong pulis at agad na dinisarmahan.

Dismayado naman si NCRPO Chief Major General Debold Sinas sa pangyayari at tiniyak na mapaparusahan ang dalawang pulis kung mapapatunayang guilty sa panggagahasa.

Facebook Comments