1 Senador, humihingi ng paliwanag sa overpriced PPE na binili ng Gobyerno

208

Ipinagtataka ni Senator Grace Poe kung bakit pumapalo sa P1,800 ang kada Personal Protective Equipment o PPE na binili ng Department of Health o DOH.

Diin ni poe, nasa P400 hanggang P1,000 lamang ang market value ng PPE.


Panawagan ni Poe sa DOH, kung maaari ay iprayoridad ang pakikipag-ugnayan sa mga local manufacturers upang mas makakuha ng murang PPE.

Giit ni Poe, kahit nahaharap tayo sa health crisis ay dapat maging mahusay pa rin ang pamahalaan sa paggastos ng pondo upang mas marami pa itong ayuda na maibigay sa mga Pilipino na higit na nangangailangan ng tulong.

Kasabay nito ay umapela din si Poe sa DOH, na gawing simple an proseso para sa mga donasyong PPE at iba pang kailangan ng mga ospital at frontliners.

Facebook Comments