1 Milyong Piso, Nalikom sa iRUNforTAAL ng Isabela!

Cauayan City, Isabela- Tinatayang aabot sa 1 milyong piso ang nalikom sa isinagawang iRUNforTAAL ng mga Isabelino sa Queen Isabela Park, Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Romy Santos, media consultant ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela, dahil aniya ito sa pagkakaisa ng mga Isabelino kung saan mahigit 13 libong katao ang lumahok sa nasabing aktibidad na karamihan ay nilahukan ng mga estudyante at mula sa ibat-ibang sektor.

Pinangunahan ni Isabela Vice Governor Boijie Dy, Director General ng Bambanti 2020 ang pagtakbo kasama ang mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan, ilang Department heads at mga local Officials ng Isabela.


Ang nalikom na pera ay mapupunta bilang tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

Facebook Comments