Ito ay sa harap ng pinaigting na implementasyon ng Executive Order No. 70 NTF-ELCAC at ang iba’t ibang proyekto ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) at Ilagan City Police Station (ICPS).
Sumuko si alyas “Biny”, nasa hustong gulang, magsasaka, at residente sa lungsod.
Dagdag pa rito, kasabay na isinuko ni alyas Biny ang isang improvised firearm o paltik.
Nag-udyok sa dating NPA supporter na sumuko dahil na rin sa mga programa ng kapulisan gaya ng Project S.A.G.I.P. na inilunsad ng IPPO; Barangayanihan sa Ilagan, isang proyekto na Community Outreach Program; at Project U.S.A.P.A.N. ng ICPS.
Ayon kay alyas Biny, na-recruit umano siya ni Ka Eloy taong 1998 at nagsilbi siya bilang tagapaghatid ng mga pagkain at tagapagbigay impormasyon para sa makakaliwang teroristang grupo ukol sa mga aktibidad ng tropa ng Pamahalaan.
Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Ilagan ang sumukong NPA supporter para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.