DTI, ilalabas sa susunod na linggo ang SRP sa mga school supplies

117

Asahan sa susunod na linggo ang gagawing paglalabas ng Department of Trade and Industry (DTI) sa price range ng mga school supplies

Ito ay kaugnay sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa August 22.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na kanilang ibabatay ang SRP sa quality ng item, volume at kung saan ito yari.


Halimbawa na lang aniya dito ang notebook partikular sa kung ilan ang pahina nito maging ang ruler na may mabibiling bakal, plastic at kahoy.

Ayon kay Castelo konsiderasyon din sa pagtatakda ng SRP na gagawin ng DTI ay kung saan ito available o mabibili, kung ito ba ay sa Divisoria o sa bookstore sa loob ng mall.

Magkakaiba aniya talaga ang presyo nito kaya’t lalagyan nila ng price range ang kanilang SRP.



Facebook Comments