1 patay, 1 arestado habang 2.7 million na halaga ng magijuana nakumpiska sa bayan ng Malungon, Sarangani

General Santos City—Aabot sa 2.7 Million na halaga ng marijuana ang nakompiska ng PDEA at ng pulisya sa bayan nga Malungon, Sarangani Province.

Alas 7:30 ng umaga nang isinagawa ang operasyon sa Sitio Morok, Brgy. Datal Batong, Malungon, Sarangani Province na naging dahilan sa pagkaaresto ng suspek na si Antonio Mandoan, 37 years old magsasaka at residenti ng nasabing lugar. habang nakatakas naman ang subject sa nasabing operasyon na si Alias Mel Enoc, pero nasawi din ito matapos nakipagbarilan sa mga pulis at PDEA nang isinagawa ang isang follow-up operation.

Aabot naman ng 5,000 na gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P600,000.00; isang unit ng Garand rifle at mga bala ang nakumpiska ng awtoridad mula sa posisyon ng mga suspek.


Alas 11:30 ng umaga ng nagsagawa muli ng operasyon ang pulisya at ang PDEA sa nasabing lugar dahil na rin may nakapagsumbong na may marijuana Plantation sa nasabing lugar.

Aabot sa 10,536 na puno ng marijuana na nagkakahalaga ng P2,107,200.00 ang kanilang nakumpiska sa nasabing lugar. sasampahan naman ng kasong paglabag sa RA 9165 ang nasakoting suspek.

Facebook Comments