Ayon sa ulat ng pulisya, nang dumating ang ama ng biktima mula sa kanyang opisyal na tungkulin, pagkababa nito sa kanyang motorsiklo, ay aksidenteng nahulog ang kaniyang 9mm Taurus na baril at nang mahulog sa lupa ay tumama ito sakanyang 1-taong gulang na anak.
Agad namang boluntaryong sumuko sa San Jose City Police Station ang nasabing ama matapos ang nasabing insidente.
Samantala, inihahanda na ang kaukulang kaso na Reckless Imprudence Resulting to Homicide laban sa suspek.
Ayon kay PCOL Richard Caballero, lubos na nakalulungkot ang nasabing insidente at walang ama ang nagnanais na mawalan ng anak sa kalunos-lunos na aksidente.
Gayunpaman, kinakailangan parin sumunod sa batas upang mabigyang hustisya ang maagang pagkawala ng biktima.
Kaugnay nito, dagdag na seminar at pagsasanay patungkol sa gun safety at responsableng pag-aari ng baril ang gagawin ng mga otoridad sa kanilang nasasakupan upang maiwasan ang iba pang hindi inaasahang aksidente.