10-20 SAKO NG BASURA KADA LINGGO, NAKOKOLEKTA SA CLEAN-UP DRIVE SA BRGY. TOBOY, ASINGAN

Umaabot sa sampu hanggang dalawampung sako ng basura ang nakokolekta sa lingguhang clean-up drive sa ilalim ng KALINISAN Program sa mga kalsada at irigasyon sa Brgy. Toboy, Asingan.

Ayon sa barangay, noong taong 2024 pa sinimulan ang ganitong inisyatiba alinsunod sa Kalinga at Inisyatiba Para sa Malinis na Bayan o KALINISAN Program ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at patuloy na tinututukan ng barangay council upang maiwasan ang pagkakaimbak ng mga basura na maaaring magdulot ng pagbara sa daluyan ng tubig at magresulta sa pagbaha.

Talamak sa lugar ang mga plastik, diaper, at iba pang household waste na itinatapon sa mga daluyan ng tubig.

Kaugnay nito, plano pang pagtingin ng barangay ang ganitong aktibidad kasabay ng paggunita ng Zero Waste Month.

Facebook Comments