Cauayan City, Isabela- Binuksan na ang 10.4-kilometer Bado Dangwa-Guilayon farm-to-market road sa Tabuk City, Kalinga ngayong araw.
Pinangunahan ito ni DA Secretary William D. Dar, ilang matataas na opisyal ng ahensya at iba pang pinuno ng lalawigan maging ang Director ng DA Cordillera.
Umabot naman sa mahigit P230 milyon ang paggawa sa nasabing proyekto na ika-apat na infrastructure subproject sa Kalinga sa ilalim ng DA-Philippine Rural Development Project (PRDP), kung saan ito ang isa sa pinakamalaking proyekto na pinondahan ng World Bank.
Natapos ang konstruksiyon ng market road ngayong September 2020, kung saan naitala na pinakamabilis na farm to market road project sa loob lamang ng limang (5) buwan at 29 na araw.
Ang Bado Dangwa-Guilayon FMR development project, ay malaking ginhawa para sa mga komunidad na nasasakupan ng Bado Dangwa, Nambucayan, Guilayon, at Magnao, kung saan nakikitang mapalawak pa ang plantasyon ng kape sa 39 ektarya at irrigated rice na 30 ektarya.
Asahan din ang mas maraming transportasyon ng mga agricultural products sa lugar at pagkakaron ng malalaking market outlets sa lugar.