10-anyos lalaki, inaresto sa paglalaro ng baril-barilan

Isang 10-taon-gulang na lalaki ang inaresto at kinasuhan dahil sa paglalaro ng baril-barilan at pagtutok nito sa dumadaang sasakyan sa Colorado, USA.

Nangyari ang insidente noon pang Hulyo nakaraang taon, ngunit ibinunyag lamang ng nanay ni Gavin Carpenter na si Stefanie nitong Pebrero 26.

“I’ve been waiting 217 days to be able to share our story,” saad ng nanay sa kanyang Facebook post.


Kuwento ni Stefanie, naglalaro si Gavin at isa pang bata ng baril-barilan na sira at hindi bumabaril noong araw na iyon.

Tinutukan umano nila ang isang paparating na truck at nagalit ang drayber nito na kinompronta ang mga bata.

Dumating ang awtoridad at inaresto ang dalawang bata sa reklamong menacing o pagsasapanganib.

Paliwanag pa ni Stefanie, ngayon niya lamang ibinahagi ang nangyari dahil hinintay muna nilang maalis sa record ni Gavin ang kaso.

Kinailangan din nilang kumuha pa ng abogado upang at maghain ng diversion program upang hindi na humantong pa sa korte ang kaso.

Kinumpleto ni Gavin ang community service at ilan pang requirements para matapos ang program.

Bagaman nahihirapan daw ang nanay na ikuwento ang nangyari na malaki ang naging epekto sa kanilang pamilya, gusto niyang balaan tungkol dito ang ibang mga magulang.

“To see your 10 year old son handcuffed, in the back of a cop car, in tears and scared to death is a vision I will never be able to erase out of my mind,” saad niya.

“…my first and foremost intention is to educate parents. This could have happened to any of us, and unfortunately it happened to us,” dagdag niya.

Nagpapasalamat naman si Stefanie na natapos na lahat pero aniya, “unfortunately Gavin will deal with the mental repercussions the rest of his life.”

Facebook Comments