Isang negosyanteng ginang inireklamo ang kanyang mister na may ibang kulasisi sa Marikina City

Nahuli sa akto ng isang negosyanteng ginang ang kanyang mister na mayruong kasamang ibang babae sa No. 20 Pearl St. Brgy. Sto. NiƱo, Marikina City.

Kinilala ang suspek na si Joseph Galongca, 41-anyos at kinakasama nitong si Ma. Theresa Gonzales, 33 anyos dalaga.

Batay sa pahayag ni Shara Mia Basco 43-anyos businesswoman matagal na niyang naramdaman na mayruong ibang babae ang kanyang mister kaya humingi na siya ng tulong sa mga police at tanod ng Brgy. Sto. NiƱo upang hulihin sa kato ang kanyang mister na may kinkasamang ibang babae.


Pagdating nila sa lugar nakita nilang mayruong ibang kinakasama ang kanyang mister kaya sinampahan niya ng kasong concubinage sa Marikina Prosecutors Office.

Facebook Comments