10-barangay sa Gensan, minomonitor dahil sa Dengue

General Santos City—Sampong Barangay sa Gensan ang tinututukan at minonomitor ngayon ng Gensan City Health Office dahil sa Degue.

Base sa datus na pinalabas ng City Health Office Epidemiology and Surveillance Unit, aabot ng 412 na kaso ng Dengue ang kanilang natala mula buwan ng Enero hanggang buwan ng Agusto.

Pinakamarami mula sa Barangay Fatima nga aabot ng 77, sinumdan ito ng Barangay Calumpang na aabot ng 59, Labangal, 58;Lagao 56; Barangay San isidro na mayroong 47; Apopong, 38; Tambler 24; Mabuhay at Bula nakapagtala ng tig 20 at Barangay City Heights na mayroong 19 na kaso ng dengue.


Nilinaw naman ng City Health Office na mas mababa ang bilang ng dengue cases ngayong taon kung ikukumpara sa taong 2017 sa parehong period.

Sinabi naman ng City Health office na kahit bumaba ang bilang ng Dengue Cases sa Gensan patuloy parin ang kanilang ginagawang monitoring at paalala sa mga mamamayan ng Gensan kung pano maiwasan ang Dengue.

Facebook Comments