Nagpapatuloy sa paghimok ang gobyerno lalo na ang pamunuan ng 6th Infantry Kampilan Division sa mga myembro ng mga armadong grupo na magbalik loob sa pamahalaan.
Sinasabing, bukod sa mga nag-aantay na mga tulong mula sa gobyerno na nagmumula sa BARMM at Maguindanao Government para makapagsimula ng bagong buhay , makakasiguro rin aniya ang mga ito ng kanilang kaligtasan ayon pa kay Kampilan Spokesman Col. Dingdong Atilano.
Inihayag ito ni Col. Atilano matapos na magbalik loob ang nasa 10 na mga myembro ng BIFF noong araw ng byernes sa 602nd Brigade Officials at Pagalungan LGU Officials
Kabilang sa mga isinuko ng mga ito ang kanilang mga armas. Nagmumula sa hanay ni Kumander Bungos ang 3 sa mga sumuko at 7 naman mula sa hanany ni Kumander Karialan ayon pa kay Col. Atilano.
Sinasabing nag-ooperate ang mga ito sa Liguasan Area sa Triboundary ng North Cotabato, Sultan Kudarat at Maguindanao.
Dahil dito, nasa 121 na mga BIFF na nagbalik loob sa pamahaalan ang nakabibiya ng Tulong Program ng BARMM bukod pa sa mga unang tulong mula Maguindanao Government.
Kaugnay nito, inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng mga sumusukong BIFF dagdag pa ni Col. Atilano. Ngayong umaga sinasabing nakatakdang isusumite ng LGU Datu Saudi ang walong mga myembro ng BIFF sa 6th ID.