10 katao, arestado matapos mabistong nagpa-pot session sa Taytay, Rizal

Manila, Philippines – Arestado ang 10 katao matapos mahuling nagdo-droga sa Taytay, Rizal.

Ayon kay Taytay Police Chief, Supt. Samuel Delorino – sinalakay nila ang isang bahay na ginawang drug den.

Dito na nila nadatnan ang mga bumabatak ng droga.


Kasabay nito, nahuli naman ang isa nilang kasamahan na nagde-deliver ng droga sa bawat bahay ng ilang parokyano.

Narekober ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Nasagip din ang tatlong bata na kasama ng kanilang mga magulang habang nagpa-pot session.

Facebook Comments