Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng nakatakdang pamamahagi ng sampung litrong fuel subsidy sa mga TODA operator sa Balaoan, La Union kasunod ng nararanasang pagsipa sa produktong petrolyo sa kasalukuyan.
Upang mapabilang sa mga benepisyaryo, inihayag ng tanggapan na mga operators na residente sa bayan ang mabibigyan.
Wala pang tukoy na petsa ngunit kasalukuyan nang inihahanda ang mga vouchers na ipapamahagi sa mga TODA Presidents upang maging sistematiko ang distribusyon.
Samantala, hirit naman ng ilang rider mula sa ibang sektor na mabigyan din ng kaukulang tulong para sa kanilang kabuhayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










