Timbog ang isang lalaki na kabilang sa Most Wanted Person sa Dagupan City, matapos mahuli sa isang intensified manhunt operation sa Barangay Poblacion Oeste kahapon, Marso 11, 2026.
Ayon sa ulat ng DCPO, ikinasa ang operasyon ng Police Station 3 katuwang ang iba pang police units sa bisa ng dalawang warrant of arrest na inilabas noong Marso 6, 2026.
Kalaunan, nadakip ang suspek, na kinilalang residente ng Barangay Pogo Chico.
Nahaharap ang suspek sa dalawang bilang ng kaso ng rape by sexual assault sa ilalim ng Article 266 ng Revised Penal Code.
Sa isang kaso, itinakda ang piyansa na ₱72,000, habang sa pangalawa naman ay walang inirekomendang piyansa.
Kasalukuyang nakakulong sa kustodiya ng Dagupan City Police Office ang suspek bago iharap sa korte alinsunod sa batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










