10-M doses ng reformulated Pfizer, dadating sa bansa sa 2nd quarter ng 2022

Inaasahan ang pagdating sa bansa ng 10 million doses ng reformulated Pfizer COVID-19 vaccines na gagamitin para sa mga batang edad 5 hanggang 11 sa second quarter ng 2022.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operation Center (NVOC) Chairperson Myrna Cabotaje na ngayong buwan, 5-M doses sa kabuuan ang dadating sa Pilipinas.

Ani Cabotaje, dahil sa 5-M bakunang dadating sa bansa ngayong Pebrero, maaaring makapagbakuna ng hanggang 2.5-M na mga bata.


Sa ngayon, 3 batch na ng reformulated Pfizer vaccines ang dumating sa bansa na tig-780,000 doses.

Paliwanag pa nito, ang pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 ay supply-dependent dahil na rin sa global shortage.

Base sa pinakahuling datos ng Department of Health, umaabot na sa 263,000 mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang ang nakatanggap ng kanilang 1st dose.

Facebook Comments