10 miyembro ng makakaliwang grupo sa Central Luzon, sumuko sa pulisya

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., na sampung myembro ng komunistang grupo sa Central Luzon ang kusang loob na sumuko sa pamahalaan kamakailan.

Ayon kay Azurin, ang 3 ay pawang myembro ng Anakpawis bulacan chapter, isa ang dating kasapi ng New People’s Army (NPA), isang dating miyembro ng Komiteng Larangang Guerrilla-Tarlac-Zambales at isang dating myembro ng Milisyang Bayan.

Bukod pa rito, sumuko rin ang ilang dating mga miyembro ng anakpawis at isang miyembro ng Underground Mass Organization.


Kasabay na isinuko ng mga ito ang kanilang mga armas.

Kaugnay nito, muling panawagan ng PNP Chief sa mga natitirang pang miyembro ng rebeldeng grupo sa mga kabundukan na magbalik loob na sa pamahalaan upang maranasan nilang mabuhay ng payapa, walang takot at kasama ang kanilang pamilya.

Facebook Comments