10 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan ng rebeldeng grupo at military sa Quezon province

Manila, Philippines – Patay ang sampung miyembro ng New People’s Army sa panibagong sagupaan ng mga rebeldeng grupo at militar sa Quezon province kahapon.

Sa ulat ni Major General Rhoderick Parayno, commander ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army, nakasagupa ng tropa ng 80 IB Ang tinatayang 30 mga rebelde bandang alas-dos ng hapon sa Sitio Pahimuan, Brgy Lumutan, General Nakar.

2 ang babae sa sampung NPA na napatay sa naganap na enkwentro,


Sa panig naman ng militar, Ay dalawang sundalo ang nasawi na kinilalang sina Sgt Nelson O Zamora at Sgt Bernard M Rosete
Habang dalawa Ang sugatan ay kinilalang sina Sgt Franklin Q Peralta at Cpl Ruben C Pauig

In-evacuate na sa V Luna hospital Ang mga sugatang sundalo habang patuloy ang operasyon sa pagtugis sa mga nalalabing miyembro ng grupo ng NPA.

Ginawa ng NPA ang pag-atakeng ito sa kabila ng naka-aambang muling pagbubukas ng palace negotiations sa panig ng NDF at pamahalaan sa Netherlands ngayong unang linggo ng Abril.

Facebook Comments