10% na Public Transport Consumers Tax para sa modernisasyon ng pampublikong transportasyon, inihihirit ng mga transport group sa Kongreso

Nanawagan ang mga transport group sa Kongreso na magpasa na ng batas na maglalaan ng 10% public transport consumers tax para sa public transport modernization.

Ang panawagan ay nilagdaan ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Pasang Masda, at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO).

Hiniling din ng mga transport group kina House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Committee on Transportation Chairman Romeo Acop na i-sponsoran ang panukalang batas.


Makatutulong anila ito sa mga operator at driver na makalikom ng pondo upang makabili ng mga bagong unit bilang bahagi ng modernization program.

Dagdag pa ng grupo, gagamitin din ang pondo mula sa public transport consumers tax para sa pag-aaral ng mga anak ng mga tsuper at pabahay para sa mga operator at driver sa buong bansa.

Facebook Comments