10 percent salary increase ng mga empleyado ng Manila City Hall, aprubado na ni Mayor Joseph Estrada

48

Manila, Philippines – Good news para sa mga empleyado ng Manila City Hall, aprubado na ni Mayor Joseph Estrada ang 10 percent na salary increase ng nasa 10-libong empleyado ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

Sa flag ceremony kaninang umaga, sinabi ng alkalde na kasabay ng kanyang ika-80 taong kaarawan sa Miyerkules, matatanggap ng mga empleyado ang umento sa sahod.

Epektibo ang umento simula noong January 1, 2017 at retroactive itong makukuha ng mga kawani.

Ang salary increase ay depende sa buwanang sahod ng mga empleyado ng city hall. 

Facebook Comments