Paggunita ng Semana Santa sa Capiz, naging mapayapa; Capiz PNP, naka-alerto parin sa pagbubukas ng Capiztahan Festival 2017

27

Roxas, Philippines – Naging mapayapa ang pag-obserba ng Semana Santa sa buong lalawigan ng Capiz, ito ang naging pahayag ni Police Superintendent Giovanie Musico, OIC provincial director ng Capiz Police Provincial Office.

Sinabi nito na walang anumang untoward incidents kasabay ng paggunita ng Holy Week dahil sa isinagawang deployment ng mga kapulisan sa mga simbahan, terminal, at mga pampublikong lugar.

Pinasasalamatan din nito ang nanging kooperasyon ng mga mamamayan dahil napanatili ng mga ito ang matiwasay at maayos na Semana Santa.

Samantala nakaalerto pa rin ang mga Kapulisan sa Capiz para sa Capiztahan Festival 2017 na magbubukas sa Abril 21 hanggang 23 ngayong taon.

Facebook Comments