10 tao, patay sa pananalasa ni hurricane Irma sa Cuba

Cuba – Patay ang 10 tao dahil sa pananalasa ng hurricane Irma sa Cuba.

Karamihang mga namatay ay natabunan ng mga gumuhong gusali kung saan pitong mga biktima ay mula sa Havana habang ang iba ay galing sa tourist resort ng Varadero.

Aabot na sa kabuuang 34 ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng hurricane Irma sa Caribbean Island.


Samantala, nagdulot naman ng pagbaha ang hurricane Irma sa Florida habang patungo ito ng Georgia.

Patuloy pa rin ang ginagawang pag-monitor ng Florida government sa mga lugar ng dinaanan ng bagyo.

Facebook Comments