Sasakyan, Nayupi!

330

Baguio, Philippines – Kung walang paradahan, huwag bumili ng sasakyan.

Pinatutupad sa lungsod ng Baguio ang naturang kasabihan, pero marami pa rin ang pasaway. Kaya marami ang nakaparada lang sa tabing kalsada.


9:45 ng umaga kanina, nabagsakan ng isang puno ang isang nakaparadang sasakyan sa East Bayan Park, Aurora Hill habang ang CEPMO o City Environment and Parks Management Office ng City Hall sa lungsod ng Baguio ay nagsasagawa ng clearing activity sa mga punong malapit ng mahulog ang mga bahagi o patay na.

Ayon sa CEPMO, nakipag-ugnayan sila sa barangay officials at mga may-ari ng mga sasakyan subalit diumano, hindi lahat ay nakausap.

Kasalukuyang nakikipag-usap ang may-ari ng sasakyan sa mga opisyal ng CEPMO.


Facebook Comments

From Advertisers