10 tipsters, tumanggap ng pabuya mula sa PNP

Binigyan ng monetary reward ng Philippine National Police (PNP) ang 10 informants na naging ­daan sa pagkakaaresto ng 11 most wanted persons.

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) director for intelligence Brig. Gen. Westrimundo Obinque ang pagkakaloob ng P1.9M sa mga ito.

Ayon kay Obinque, ang pagbibigay ng pabuya ay isa sa mga programa ng PNP para sa agarang pagkakadakip sa mga tinaguriang wanted persons.


Ilan sa mga naarestong suspek ay pawang may kaso na murder, rape, robbery at carnapping.

Facebook Comments