Cauayan City, Isabela- Ipinagkaloob ng Department of Science and Technology (DOST) Region 02 ang 85 essential relief packs at 10 units Multi-Purpose Drying facility sa mga residente ng Sitio Naguilian, Barangay Fuga Island sa ilalim ng Corporate Social Responsibility (CSR) activity.
Ang Isla ay kilala bilang Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDA) na may apat (4) na paaralan ng elementarya sa apat rin na sitios.
Dahil sa mga paghihirap, ang mga magulang na kayang ipadala lamang ang kanilang mga anak sa high school at kolehiyo ay may pribilehiyo na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa mainland, at ang mga walang kakayahan ay magpapatuloy na tulungan ang kanilang mga magulang sa Pulo na makahanap ng makakain na pagkain.
Ang islang ito ay problema ang kakulangan ng edukasyon, mga pagkakataong pangkabuhayan at limitadong serbisyo sa elektrisidad kung kaya’t ngayon ay gumagamit ang isla ng solar energy na ipinagkaloob ng mga sumusuportang institusyon upang mapagaan kahit papaano ang buhay sa lugar.
Mahigit sa 400 mag-aaral at guro ang makikinabang na magkaroon ng mas mahusay na pag-access sa edukasyon sa nasabing proyekto.
Samantala, aabot sa 2,000 na residente sa Isla ang walang access para sa malinis na tubig para sa kanilang inumin at sanitation kung saan pangamba ang posibleng malubhang kalusugan sa mga residente.
Dahil dito,magsasagawa ng physicochemical water testing ang DOST para masigurong hindi kontaminado ng mikrobyo ang kanilang inuming tubig.
Larawan naman ang lugar ng pagsasaka at pangingisda na pangunahing ikinabubuhay ng mga residente sa Isla kung kaya’t bilang suporta ay nagkaloob rin ang ahensya ng solar drying trays.
Ang Isla ay matatagpuan sa bahagi ng north Luzon, partikular sa Babuyan Archipelago at isa ang barangay sa malayong lugar ng Aparri, Cagayan na tanging bangka lang ang magagamit sa pagbiyahe para makarating sa lugar o 3-4 oras ang biyahe mula sa bayan ng Claveria.