Kinilala ang ikalimang centenarian ng lugar na si lola Florida Valencia.
Unang ipinagkaloob na ng lokal na pamahalaan ng Dupax del Norte, Nueva Vizcaya ang 30,000 pesos bilang parangal kay lola Florida.
Dahil nakaratay ito, mga kapamilya nito ang tumanggap sa cheke at wheelchair mula sa lokal na pamahalaan na pinamunuan ni Mayor Timothy Cayton.
Ayon sa Octogenarian Nonagenarian Centenarian ordinance ng lokal na pamahalaan, makakatanggap ng isang libong piso ang bawat lolo o lola na tumuntong ng 😯 taong gulang at madadagdagan pa ito pagsampa ng 90 hanggang 99 taon.
Buong 30,000 pesos naman pagdating ng kanilang ika-100 taon.
Inaasahan namang sa susunod na matatanggap ng lola ang 200,000 piso-kalahati mula sa provincial government at ang iba ay mula sa national government.