General Santos City—Tinatayang nasa 100 na mga buntis ang nakilahok sa pag diriwang ng 16th Araw ng mga buntis dito sa Gensan noong nakaraang araw na isinagawa sa isang mall dito sa Gensan.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng grupo nga mga obstetrical and gynecologist kung saan, tinuruan ang mga buntis kung papano alagaan ang kanilang mga sarili habang nasa kanilang sinapupunan pa ang kanilang anak hanggang sa pag-aalaga ng kanilang sanggol kung silay magsilang na.
Tinalakay naman ang kahalagahan ng breast feeding dahil nagpapalakas umano ito ng resistensya ng mga sanggol. Pinag-usapan naman ang hinggil sa family planning kung saan ipinunto ng mga eksperto na dinhi mabuti ang pagbubuntis ng isang ina bawat taon. Dapat papahingahin muna ang katawan ng isang ina bago muli magbuntis.
Highlight ng selebrasyon ang mga patimpalak kasama na dito ang Buntis got talent kung saan nagpasiklaban ng kanilang mga talento kagaya ng pagsasay at pag awit ang mga contestant.
Maliban dito may ibinigay ding mga regalo sa mga buntis na ikinatuwa naman ng mga ito.