100 milyong katao sa Estados Unidos, inaasahang matuturukan ng COVID-19 vaccine hanggang sa katapusan ng Pebrero

Tinatayang aabot sa 100 milyong residente ng Estados Unidos ang inaasahang mabibigyan ng COVID–19 vaccine hanggang sa katapusan ng Pebrero.

Ayon kay Moncef Slaoui, Scientific Advisor to the Government’s Operation Warp Speed (OWS), nakatakda itong simulan sa kalagitnaan ng Disyembre o sa oras na maaprubahan na ang mga bakuna ng Pfizer, BioNTech at Moderna.

Inirekomenda rin ng otoridad ng Estados Unidos na unang bakunahan ang mga health care staff at nursing home residents o ang matatanda.


Magsisimula sa 20 million katao ang babakunahan sa Disyembre habang 30 million naman sa Enero at 50 million pagdating ng Pebrero.

Facebook Comments