INDIA – Isa sa mga dahilan ng lalong paglala ng polusyon ay ang sandamakmak na basura lalong-lalo na ang plastik.At dahil sa problemang ito, naimbento sa India ang 100 percent organic, eco-friendly at biodegradable plastic bag na gawa sa pinaghalo-halong sangkap na natural starch at vegetable oil.Ayon kay Ashwath na founder ng envigreen, edible o pwede itong kainin at hindi rin ito naglalabas ng toxic o Lason.Hindi na rin problema ang pagdi-dispose o pagtatapon nito dahil ilalagay lamang ang organic plastic sa kumukulong tubig at sa loob nang 15 segundo ay matutunaw na ito.Sa ngayon, ang ecofriendly plastic bag ay plano palang ilunsad na siguradong tatangkilikin sa India.
Facebook Comments