100 public schools na kasali sa limited face-to-face learning nakumpleto na ng DEPED

Nakumpleto na ng Department of Education (DepEd) ang unang 100 public schools na makikibahagi sa pilot run ng limited face-to-face classes sa mga lugar na maituturing na COVID Low Risk Area.

 

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na all set na ang kanilang hanay para sa pagsisimula ng pilot implementation ng face-to-face sa darating na ika-15 ng Nobyembre.

 

Aniya, patuloy ang ginagawang paglilibot ng DepEd sa mga probinsya upang siguruhin ang kabuuang kahandaan ng mga paaralang ito.


 

Samantala, ang mga private schools naman na mapapabilang sa pilot run ng face-to-face ay binubuo na rin.

 

Base sa tala ng DepEd, nasa 57 private schools ang sumasailalim ngayon sa kanilang ebalwasyon.

Facebook Comments