Isasailalim sa deployment ang 100 tauhan ng Dagupan City Police Office (DCPO) bilang suporta sa pagpapatupad ng mga operasyong pangseguridad para sa nalalapit na 49th ASEAN Leaders’ Summit and Related Summits.
Pinangunahan ni PLTCOL Aurelio S. Manantan ang pakikilahok ng DCPO sa personnel accounting, pre-deployment briefing at iba pang paghahanda ng Civil Disturbance Management (CDM) Contingent ng Police Regional Office 1 (PRO1).
Isinagawa ang aktibidad sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila, na nakatuon sa pagtitiyak ng kahandaan, disiplina, maayos na koordinasyon at pagsunod ng mga pulis sa mga itinakdang protocol bago ang kanilang deployment.
Tiniyak ng tanggapan ang kahandaan ng mga tauhan nito na makibahagi sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa naturang mahalagang pagtitipong pandaigdigan.
Binigyang-diin ng tanggapan na bahagi ito ng kanilang suporta sa pambansang seguridad sa pamamagitan ng pagtiyak na propesyonal, disiplinado at handa sa misyon ang mga ide-deploy na pulis. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







