Bumuhos ang pagbati para sa Umingan Men’s Volleyball Team matapos silang tanghalin bilang Finals Overall Champion sa katatapos lamang na Ramon V. Guico III Governor’s Cup Inter-Town Tournament 2026.
Umugong sa ingay ng kagalakan ang buong Urdaneta Sports Complex matapos matagumpay na patunayan ng Umingan MVT na sila ang best not only from the east kundi sa buong lalawigan nang talunin ang koponan ng Rosales sa kanilang laban nitong Linggo, November 15, 2026.
Bagamat nanguna ang Rosales sa 1st set sa score na 25-23, tinapos naman ng Umingan ang laban sa 2nd set sa score na 12-15.
Ayon sa head coach ng Umingan na si Coach Sir Eusebio Solis, malaki ang pasasalamat nila sa Panginoon at sa kanilang mga taga suporta na bagamat nadapa sila sa Eastern Conference, muli silang bumangon at nakamit ang kampeyonato sa finals.
Maliban sa pagiging kampyeon, nakapag-uwi naman ng individual awards ang kanilang mga kasama gaya na lamang nina Raymart Alapan na tinanghal bilang Best 1st Middle Blocker, Angelo Fernandez bilang Best Opposite Spiker, at Arjay Ramos na hindi lamang Best 1st Open Spiker kundi tinanghal din bilang Finals MVP o Most Valuable Player.
Sa pagtatapos ng liga, hindi lamang ang team Umingan Men’s Volleyball Team ang nagpatunay ng galing ng mga Pangasinense kundi lahat ng koponan na lumaban para sa kani-kanilang bayan.
Bawat tagumpay man o pagkabigo, naging salamin ang liga na ito sa storya ng pagiging pursigido ng mga batang atleta ng Pangasinan at pinatunayang kayang-kaya nating lumaban maging sa ano mang Pambansa o International na liga. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








