100 tauhan ng PNP-HPG, ikakalat sa kahabaan ng Commonwealth dahil sa konstruksyon ng MRT-7

Quezon City – Aabot sa isandaang pulis ang ipakakalat sa kahabaan ng Commonwealth Avenue Sa Quezon City para mangasiwa ng trapiko.

Ayon kay Chief Supt. Abner Escobal, director ng PNP Highway Patrol Group, inaasahan na nila na mas lalong babagal ang galaw ng mga sasakayan sa Commonwealth sa mga susunod na araw dahil sa konstruksyon ng MRT 7.

May mga intersection aniya na isasara sa Commonwealth para sa MRT-7.


Isa sa mga pinag-aaralan aniya ngayon ng PNP-HPG ang pag-demolish sa mga concrete barriers para sa pick up at drop-off zones ng mga pampasaherong bus at iba pang Public Utility Vehicles.

Naghahanap na rin aniya sila ng alternatibong ruta para ma-decongest ang Commonwealth at nakikipag-ugnayan na sa management ng iba’t ibang subdivision malapit sa lugar.

Ang MRT 7 ay mayroong labing apat na istasyon at magmumula sa North Avenue hanggang sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Facebook Comments