COMELEC Chairman Andy Bautista, humingi ng payo kay Cardinal Tagle

Manila, Philippines – Dahil sa mga pinagdadanan sa buhay bunsod ng kaliwa’t kanang kontrobersiyang kanyang kinakaharap.

Humingi na ng gabay mula sa kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle si Commission on Elections chairman Andres Bautista.

Ayon kay Bautista, ang salita ng Diyos at ang mga payo ni Cardinal Tagle ang isa sa mga nagpapalakas ng kanyang loob lalo na ngayon na marami ang humuhusga sa kanya.


Ikinwento pa ni Chairman Andy kay Cardinal Tagle ang mga pinagdaanan nilang problema ng asawang si Patricia.

Samantala, emosyunal ding sinabi ni Bautista na wala namang problema kung magbibitiw siya sa pwesto ang tanging ikinalulungkot nya ay ang pag-alis sa COMELEC na naging parte na ng kanyang pamilya.

Umaasa naman ang poll chief na sa lalong madaling panahon ay matatapos na ang unos sa kanyang buhay.

Facebook Comments