Umaabot sa P5,370,000 ang nakinabang sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD na programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga mga mahihirap na residente ng San Juan City.
Pangungunahan mamaya ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang kauna-unahang Payout Ceremony sa taong 2022 sa San Juan city.
Gaganapin ito sa Central Colleges of the Philippines kung saan nagturo nuon si Bello.
Kasama ni Bello ang nag-iisang independent candidate sa pagka-konsehal na si Tricia Dacer, isang dating broadcaster at PR practitioner.
Si Dacer ang naging daan upang mapamahagian ang mga San Juaneño ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers sa halagang P5,370 sa 10 araw na pagwawalis at paglilinis ng komunidad.
Nasa 1,000 benepisyaryo ng TUPAD sa San Juan ang nabigyan ng cash-for-work assistance ng DOLE.