Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Engr. Ricardo Alonzo, City Agriculturist, mahigit 200 pa lang na magsasaka ang sasalang sa final screening na isasagawa bukas, Enero 27, 2022.
Tiyakin lang aniya ng mga nais pang maging bahagi ng programa ang ilang qualifications gaya ng dapat ay may karanasan sa pagsasaka, edad 30-45, married at may anak, physically fit to work, at dapat walang tattoo.
Ayon pa kay Engr. Alonzo, ilan sa mga requirements nito ay marriage certificate at kung hindi pa kasal ay maaaring kumuha ng barangay certification, birth certificate ng kanilang mga anak at biodata with picture gayundin ay kailangan na mayroong pasaporte ang mga aplikante.
Pero kung sakali aniya na wala pang pasaporte ang isang aplikante ay handa umanong umalalay ang provincial government dahil target na sa susunod na buwan na makagpadala na sa South Korea ng mga Isabeleño.
Umaasa naman si Alonzo na madagdagan pa ang bilang ng mga aplikante upang makapagsanay rin ng makabagong paraan ng pagsasaka sa South Korea.