Ping: May mga nagpakadalubhasa para lang magnakaw sa gobyerno

177

Para kay Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson napapanahon na upang baguhin ang mga kwalipikasyon para sa mga nagnanais na maging pangulo ng bansa, bagama’t naniniwala rin siya na hindi naman kailangan na may mataas na pinag-aralan dahil hindi ito ang sukatan ng pagiging totoong lider.

“Maraming may PhD na mas magaling magnakaw kaysa magsilbi,” komento ni Lacson sa one-on-one presidential interview ni Boy Abunda, nitong Lunes.

Tinanong kay Lacson ang kanyang opinyon hinggil sa mga basic qualification para maging pangulo ng bansa, ayon sa Konstitusyon, tulad ng pagiging natural-born Filipino, rehistradong botante, nakakapagsulat at nakakapagbasa, edad 40 sa araw ng eleksyon, at dapat na nakatira sa Pilipinas nang 10 taon bago ang eleksyon.


Para sa batikang public servant, nararapat nang baguhin ang mga basic qualification na ito dahil pahirap na rin nang pahirap ang kwalipikasyon para sa ordinaryong Pilipino na nag-a-apply sa ibang trabaho na may mabibigat ding responsibilidad tulad ng posisyon ng pangulo.

“Parang hindi tugma doon sa sign of the times, ika nga, na ‘yung ordinaryong nag-a-apply ng trabaho [ay] mas mataas pa ‘yung qualification ang hinihingi kaysa sa nag-a-apply na presidente,” ani Lacson.

Gayunman, batid ni Lacson na kailangang amyendahan ang Konstitusyon para maisagawa ito, at taumbayan pa rin ang dapat na gumawa ng desisyon.



“Siguro doon naka-anchor kung bakit napaka-basic ‘yung qualification dahil, ‘di ba, ‘yung vox populi, ‘di ba, vox deiSo, at the end of the day, tao naman ‘yung mag-de-decide. Ito na ngayon, Boy, ang aking sasabihin: Siguro panahon na para maging mas discerning ‘yung ating mga botante. Huwag magpadala doon sa tinatawag na politics of entertainment, ‘di ba? Doon naman tayo sa serious politics, pag-aralan natin,” sabi ni Lacson.

Facebook Comments