Manila, Philippines – Good news, ibibigay na ngayong araw nang isang bagsak ang dagdag pensyon ng mga retiradong late na nagpaberipika sa Social Security System at mga pensyonadong may mahigit isang benipisyaryo.
Tatlong libong piso ang matatanggap na dagdag ng mga pensyonado na nasuspinde dahil sa hindi pag-report sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP).
Isasama ang dagdag benepisyo sa kanilang regular na pensyon ngayong Marso.
Kasabay nito, nagpaalala si SSS VP for media Affairs Louie Sebastian na huwag kaligtaan ang scheduled kada taon ng ACOP dahil mapuputol ang pensyon kapag walang patunay na buhay pa ang pensioner.
Ngayong araw din aniya ang dagdag pensyon ng mga retiradong maraming benipisyaryo.
Mula Marso, lagpas anim na bilyong piso na ang nailabas ng SSS para sa isang libong pisong umento sa pensyon na retroactive January 2017.