Pangulong Duterte, muling giniit na hindi nito itinatago ang tunay na kundisyon ng kanyang kalusugan

26

Manila, Philippines – Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito itinatago ang tunay na kondisyon ng kanyang kalusugan.

 

Kasunod na rin ito ng pagpuna ng marami sa paggamit ng Pangulo ng oxygen concentrator matapos na lumabas ang isang larawan habang nasa loob siya ng kuwarto at binabati ng mga apo sa kanyang kaarawan noong March 28.

 

Sa pagdalo sa mass oath-taking ng Appointed Government Officials at Philippine Councilors League – ipinaliwanag mismo ni Pangulong Duterte na matagal na siyang gumagamit ng oxygen concentrator sa kanyang pagtulog, batay na rin sa payo ng kanyang doktor.

 

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi naman niya ito itinatago at hindi siya kailanman nagsinungaling sa kalagayan ng kanyang kalusugan.

 

Matatandaang dati nang umamin si Duterte na mayroon itong iniindang sakit na Barrett’s Esophagus at Buerger’s Disease, isang kondisyon kung saan hirap ito sa paghinga.


Facebook Comments