Umabot sa 10,000 libro ang ipinamahagi ng isang foundation sa mga paaralan sa bayan ng Infanta, Pangasinan bilang bahagi ng programang “Tulong sa Paaralan, Tulay sa Kaunlaran.”
Layunin ng programa na palawakin ang akses ng mga mag-aaral sa mga dekalidad na sanggunian at aralin sa iba’t ibang asignatura tulad ng agham at matematika.
Napili ang Infanta bilang isa sa mga benepisyaryong bayan ng foundation sa patuloy nitong adbokasiya na suportahan ang edukasyon sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Positibo ang lokal na pamahalaan sa tulong na maiaambag ng tinanggap na donasyon na aagapay sa paghubog ng kaalaman at kinabukasan ng mga kabataang Infanteño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









