500 INDIGENT SA TAYUG, NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL

Patuloy ang pamamahagi ng medical at burial assistance sa mga indigent na residente sa bayan ng Tayug.

Kamakailan, 500 benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong pinansyal kung saan 472 ang nakatanggap ng agarang tulong medikal habang 42 naman sa suporta sa pagpapaburol.

Samantala, panawagan ng pamahalaan sa mga hindi pa nakakatanggap ng tulong na masusing mag-apply at magtungo sa opisina ng Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO).

Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga indigent individuals. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments