100,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccine, ituturok sa mga empleyado ng DND at mga civilian employees ng AFP

Sisimulan na ng Department of National Defense (DND) ang vaccination sa kanilang mga empleyado sa oras na dumating na sa bansa ang 100,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccine.

Ayon kay DND Spokesperson Director Arsenio Andolong, ang 100,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccine na donated ng China ay ituturok sa mga civilian at military personnel na nakatalaga sa Office of Civil Defense, Government Arsenal, National Defense College of the Philippines at sa Philippine Veterans Affairs Office.

Kabilang na rin ang mga civilian employees ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at kanilang family members.


Ayon kay Andolong, layunin nilang lahat ng mga nagtatrabaho sa isang working environment ay mabakunahan upang magkaroon ng immunized workforce.

Samantala, sinabi pa ni Andolong na may hiwalay na vaccine rollout plan ang AFP para naman sa mga sundalo.

Facebook Comments