
𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚-𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗥𝗜𝗚𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗢, 𝗡𝗔𝗜𝗨𝗪𝗜 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔
Cauayan City – Matapos ang ilang araw na panawagan, natukoy na ang pagkakakilanlan ng bangkay ng lalaking natagpuang palutang-lutang sa irrigation canal sa Brgy. Villa Magat, San Mateo, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa San Mateo Police Station, ang biktima ay kinilalang si Mark Steve Taberna, 17-anyos, residente ng San Agustin, Isabela at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Sinamar Sur, San Mateo, Isabela.
Ayon sa report, personal na nagtungo sa himpilan ng San Mateo PS ang tiyuhin ng biktima upang kumpirmahin ang pagkakakilanlan nito at kunin sa punerarya ang kanyang mga labi upang iuwi sa kanilang tahanan.
Lumalabas naman sa Post-Mortem Examination sa bangkay ng biktima, lumalabas na asphyxia due to drowning at serious head injuries ang sanhi ng pagkasawi nito.
Samantala, hindi na rin umano pumayag ang pamilya ng biktima na sumailalim pa ito sa autopsy para mas masusing pagsusuri.










