106 na aftershocks, naitala ng PHIVOLCS kaugnay ng magnitude 6.8 na lindol sa Davao Occidental

Patuloy na nakapagtatala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng aftershocks sa ilang bahagi ng Davao Occidental kasunod ng tumamang magnitude 6.8 na lindol doon.

Batay sa monitoring ng PHIVOLCS-DOST, hanggang kaninang alas-3:00 ng hapon ay mayroon nang 106 na aftershocks ang naitala.

Mula rito, 63 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon habang limang may kalakasan pagyanig ang naramdaman ng mga residente.


May mga lakas na mula magnitude 1.4 hanggang 4.3 ang naitala sa kanilang reference station sa General Santos.

Facebook Comments